Wednesday, October 31, 2007

Si Dodong Charing [1]




***click the play button to listen to the song***


Dodong Charing's Tagalog Version

ayoko ng pumatol pa
dahil bistado na kita
ang bilis kong naniwala sayo
may buntot ka palang tinatago
ang sabi mo ay seksi ka
at model ng perla
ba’t nung ka eyeball na kita
barako ka pala
charing nailad ko sa buing
charing kasakit sa kasingkasing
charing nailad ko sa buing
charing nihalok pa sa akong aping
si dodong charing
nagpadala ‘ko ng dyes mil
dahil akala ko na ikaw ay isang anghel
nasayang lang talaga ang pera ko
kampon ka pala ng demonyo
ang sabi mo ay maganda ka,
at model ng perla
ba’t nung ka eyeball na kita
macho ka pala
charing nailad ko sa buing
charing kasakit sa kasingkasing
charing nailad ko sa buing
charing nihalok pa sa akong aping
si dodong charing
ang sabi mo ay seksi ka
at model ng perla
ba’t nung ka eyeball na kita
barako ka pala
charing nailad ko sa buing
charing kasakit sa kasingkasing
charing nailad ko sa buing
charing nihalok pa sa akong aping
si dodong charing
dodong charing
dodong charing
dodong charing….


___________________________________________________


Panibagong kanta na naman tungkol sa engkwentro ng isang lalaki sa isang bakla ang naisipan kong gawan ng blog. Bago ko pa man naisipang sumulat tungkol sa kantang "Modelong Charing" ay nauna ko ng naisipang sumulat tungkol sa kantang ito dahil madalas ko itong napapakinggan sa radyo nitong mga nakaraang buwan. Sa katunayan, naging isa ito sa mga kantang mahirap alisin sa aking isip oras na ito'y aking napakinggan. Karaniwan sa akin ang magcommute papuntang eskwela at sa mga oras na ako'y nakasakay sa pampasaherong bus ay ilang ulit kong napapakinggan itong kantang ito. Maganda ang pagkakagawa ng kanta dahil madali itong sabayan at nakakatuwa ang bawat linya ng lyrics.

Gaya ng Modelong Charing, ipinapakita sa kantang ito na ang mga bakla ay mapaglinlang lalong-lalo na tungo sa mga kalalakihan. (basehan: "Ang sabi mo ay seksi ka at model ng perla ba't nung ka eyeball na kita barako ka pala?") Hindi ba maaaring maging model ng perla ang isang bakla kung sakaling totoo nga ang kaniyang sinasabi? Tanging mga kababaihan lang ba at mga kalalakihan ang maaaring maging modelo ng ating lipunan? Maaari rin naman maging model ang isang tao nang hindi ipinapakita ang buong katawan hindi ba? (Hal.: model ng perla sa kamay).

1 comment:

Anonymous said...

Hi, please have time to visit my blog. It's Dodong Charing Model ng Perla. Nag-i english ako dito, sosyal. Salamat.

**Dodong