Tuesday, October 30, 2007

Si Dodong Charing [2]

Ipinapakita rin dito sa kantang ito na ang mga bakla ay mukhang pera sapagkat sila ay nakakatanggap ng salapi mula sa mga kalalakihan. Ngunit hindi ba kung minsan ay kabaliktaran pa nga ang talagang nangyayari sa ating lipunan ngayon? Hindo ba't ang mga bakla pa nga kung minsan ang siyang nagbibigay ng pera sa mga kalalakihang nakakasama nila upang matustusan lamang ang kani-kanilang pangagailangan? Hindi ba't may ilan ring mga kalalakihan na tila ay ginagamit lamang ang kahinaan ng mga bakla upang makalamang sa pamamagitan ng paghihingi ng mga meteryal na bagay? Ngunit hindi rin nating maipagkakait na kung minsan ay mismong ang mga bakla na ang talagang kusang nagbibigay ng mga materyal na bagay sa mga nakakasama nilang lalaki.

At paano naman naging isang kampon ng demonyo ang pagiging bakla? hindi ba ito masyadong nakakapaglapastangan sa mga bakla sapagkat nahuhusgahan na agad sila base sa kanilang pagiging bakla.

Wala naman akong nais iparating sa likod ng mga taong bumubuo ng kantang ito subalit naisip ko lang na sa kabila ng pagtatanggap at pagiging liberal ng ating lipunan tungkol sa mga isyu ng bakla, hindi maiiwasang may ilan pa ring nanatiling mapanghusga sa kanila at tila tinatrato silang parang mas nakabababang uri ng tao. Ano man ang sabihin at isipin natin sa kanila, isang bagay lamang ang hindi nating maaaring ipagkait sa kanila--tao rin silang may puso at pakiramdam-- kung kaya't mas makakabubuti para sa lahat na maging mas sensitibo tayo sa kanila upang maiwasan ang makasakit ng kapwa.

No comments: